Ni: Orly L. Barcala
Sinalakay ng mga pulis ang 10 karaoke television (KTV) bar sa apat na barangay sa Valenzuela City, at dinampot ang 16 na babae, kahapon ng madaling araw.
Sa pakikipagtulungan sa mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) at City Health Office, mismong si Police Supt. Reynaldo Medina, Deputy Chief of Police for Operation, ang namuno sa pagsalakay sa mga club sa Barangay Bagbaguin, Lawang Bato, Paso De Blas at Canumay, dakong 2:00 ng madaling araw.
Idiniretso ang 16 na babae sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) at nabatid na walang working permit ang mga ito.
“Required po na kumuha ang mga babaeng nagtatrabaho sa mga KTV bar, lalo na ‘yung mga babae,” ayon kay Medina.
Kakasuhan ang mga inaresto ng paglabag sa city ordinance.