(Reuters) – Humupa na ang pangamba ng mga Russian nang bawiin ang inilabas na tsunami warning matapos yanigin ng 7.8 magnitude ang Kamchatka Peninsula, ayon sa U.S. Geological Survey at sa U.S. Pacific Tsunami Center.

Tumama ang lindol sa ganap na 11:34 ng umaga nitong Martes (2334 GMT nitong Lunes), na may layong 125 milya (200 km) mula sa Nikolskoye sa Bering island ng Kamchatka Peninsula. Ang epicenter ay sa kanlurang bahagi ng Attu, ang pinakamalaking isla sa Near Islands group ng Aleutian Islands.

Naging sobrang babaw ng lindol, 6 milya (10 km) seabed.

Una nang ibinabala ng U.S. Pacific Tsunami Warning Center na “hazardous tsunami waves were possible for coasts within 300 km (186 milya) of the earthquake epicenter.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'