Ni Edwin Rollon

NAKIPAGTAMBALAN si dating Philippine No.1 Marian Jade Capadocia kay Austrian Anna-Lena Neuwirth para makausad sa women’s doubles semifinals ng International Tennis Federation (ITF) Women’s Circuit US$15,000 Amstelveen event sa Netherlands.

Kapwa unranked player sa main draw, ginulat nina Capadocia at Neuwirth ang karibal na sina Dominique Heinrichs at Jennifer Wacker ng Germany, 6-0, 3-6, 10-3, para makakuha ng puwesto sa quarterfinals kung saan magaan silang nakausad sa Final Four kontra kina Stephanie Mariel Petit ng Argentina at Ana Sofia Sanchez ng Mexico via walkover.

MARIAN copy copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Matikas na nakihamok sina Capadocia, two-time Philippine Columbian Association (PCA) Open champion, at Neuwirth kontra sa Tour regular na sina Emily Arbuthnot ng Britain at Belinda Woolcock ng Australia,6-1, 6-3 sa semifinals match.

“Nakakahinayang, pero ganoon po talaga. Okey lang po may mga susunod pa naman pong Circuit event,” pahayag ni Capadocia, umani ng walong ITF points sa doubles na may katumbas na 2,400 local points.

Sa 64-man main draw sa singles competition, pakitang-gilas ang 21-anyos na pambato ng Arellano University sa magkasunod na panalo para makaabot sa Round 3.

Magaan na ginapi ng SEA Games veteran ang local bet na si Sopphia Grippo, 6-2, 6-0, bago naungusan ang katambal na si Neuwirth, 6-7 (3), 7-5, 6-3.

Kinapos si Capadocia, suportado rin ng Dunlop at pinangangasiwaan ng amang si Joe bilang coach, laban kay Meritxell Perera Ros of Spain, 7-5, 6-3.

Sa kabila nito, umani siya ng anim na puntos sa ITF ranking o may katumbas na 1,800 in local ranking.

“Hindi pa rin po nawawala ang pag-asa ko na maipagpatuloy ang kampanya ko sa international circuit hanggat may mga taong tumutulong at naniniwal sa kakayahan ko,” pahayag ng pambato ng San Jose, Antique sa kanyang Facebook account.

Sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch Ramirez ang gastusin sa ensayo at pagsali ni Capadocia sa ITF matapos siyang alisin sa National Team ni Philippine Tennis Association (Philta) secretary general Romeo Magat.

Ikinadismaya umano ni Magat ang kanyang pagsasanay sa Netherlnd at mas binigyan ng pansin ang mga Fil-Am players na nakabase sa Amerika.

“Right now, hindi ko na po masyadong dinaramdam yung resulta ng pulitika sa Philta. Nariyan naman si Chairman Ramirez na kumikilala sa mga local at homegrown player,” pahayag ni Capadocia.

“Kung ayaw ng Philippine Tennis association na isama siya sa SEA Gamesmay mga Ibang paraan naman na mag-represent siya ng Pilipinas tulad ng International Women’s Circuit tournament na ginagawa niya ngayon...at world university games na sasalihan niya sa August kasabayan ng SEA Games,” sambit ng amang si Joe.

Naging promising player si Capadocia nang maging junior champion sa ITF junior tournament sa Hongkong at sa Pilipinas. Nagwagi siya ng silver medal sa 2011 SEA Games at bronze medal sa 2013 sa Thailand.