ni Marivic Awitan

MATAPOS maiangat ang women's team ng University of the Philippines buhat sa palagiang pagtatapos sa ilalim ng standings, maraming ginulat si head coach Jerry Yee sa kanyang anunsiyo na iiwan na niya ang koponan.

Ginawa ni Yee ang pahayag sa kanyang personal na Facebook account noong nakaraang Sabado.

Jerry Yee
Jerry Yee
Magsisimula umano ang opisyal na pagbibitiw ni Yee bilang mentor ng Lady Maroons ngayong Lunes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang si Yee ang nasa likod ng magagandang pangyayari at nagbigay ng magandang kulay sa volleyball program ng UP.

Sa kanyang pagpasok noong UAAP Season 76, unti-unti niyang iniangat ang UP hanggang sa makatuntong ng Final Four sa Season 78.

Si Yee din ang nagdala at nag-recruit para sa UP ng mga promising talents na gaya nina Season 78 Rookie of the Year Isa Molde, Diana Carlos, Justine Dorog, Arielle Estrañero, at Maristella Layug, na siya na ngayong bumubuo ng core ng Lady Maroons.

Wala namang binanggit na dahilan si Yee na siya ring coach ng Hope Christian School girls volleyball team sa kanyang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang lisanin ang UP.