Ni: Light A. Nolasco

FORT MAGSAYSAY, Palayan City - Mahigpit na ipinag-utos ng Korte Suprema sa lahat ng hukom na i-refer ang mga drug dependent sa rehabilitation facility sa Fort Magsaysay sa Palayan City, sa halip na sa mga lokal na rehab center na ngayon ay siksikan na.

Sa utos ng Korte Suprema na may petsang Hunyo 6, 2017, sinabi ni Jose Midas Marquez, Supreme Court (SC) administrator, na inaatasan ang lahat ng hukom sa mga Regional Trial Court (RTC) na ipadala ang mga adik at tulak ng droga sa Mega Drug AbuseTreatment & Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay para isalalim sa gamutan.

Nobyembre 2016 nang buksan ang may 10,000 bed-capacity na rehab center.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog