Ni NITZ MIRALLES

IPINOST ni Kim Chiu sa Instagram ang video ni Justin Bieber na sinasabing, “Chinita see u in the Philippines”.

Sa caption sa post, obvious na kinilig nang husto si Kim sa reaction na, “ok just had to post this ‘OMG’ moment!!!

JUSTIN copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Check my stories for more fangirl moments with @ilovekaye haha.”

Pati ang dating ka-love team ni Kim na si Xian Lim ay natuwa sa aktres at ang marami pang followers ng dalaga. Amused at happy ang lahat na napansin ni Justin Bieber si Kim batay na rin sa 197,357 views at 421 comments sa video post niya.

Sa tuwa ni Kim na napansin siya ni Justin Bieber sa milyun-milyong followers nito sa IG, bibili na raw siya ng tiket sa concert nito sa Philippine Arena sa September 30.

Nagsimula ang lahat nang i-post ni Kim ang IG story niya na tinawag niyang “fangirl moments” with friend Cacai Bautista. Napanood ni Justin Bieber ang IG story ni Kim at ‘yun na, may “see you in the Philippines” na ito.

Ang sumunod na post ni Kim, nasa gym siya, nagwu-workout, at ang caption na inilagay ay, “paghahanda sa pagdating ni @justinbieber mag-a- apply akong marshal!!!”