BUKAS pa ang pagpapatala para sa paglahok sa kauna-unahang PTT Run for Clean Energy na nakatakda sa Hulyo 16 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) grounds sa Roxas Blvd. Manila.

Maaaring magpatala sa Chris Sports SM Manila. Tatanggap din ng lahok para sa mga walk-in sa mismong race site isang oras bago ang nakatakdang oras ng karerang lalahukan.

Ang mga kategorya sa fun run ay 10k (P500), 5k (P300) and 3k (P220), kasama na ang race shirt, race bib at giveaways.

Mananalo ng cash prizes at medalya ang mauunang tatlong finishers sa 10k at 5k, habang ang lahat ng runners ay kuwalipikadong manalo sa raffle.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Mga android phones, mountain bike, 50 gift packs mula sa Leslie’s at first-aid kits mula sa Medicard ang mga nakatakdang mapanalunan sa adbokasiyang fun run na nananawagan sa malinis na enerhiya sa kapaligiran.

Ang proyektong ito na suportado ng Chris Sports, Philippine Charity Sweepstakes Office, Leslie’s, the National Capital Region Athletic Association, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Emilio Aguinaldo College, Science in Sport, Medicard Foundation, Cafe Amazon, PTT Lubricants, Philippine Red Cross, Business Mirror, Business Mirror Health, Fitness Magazine, SportsManila.net at ET Manila, ay may misyon na palaganapin ang panawagan sa malinis na enerhiya sa pamamagitan ng sports.