HONG KONG (Reuters) – Dumating na si Chinese President Xi Jinping sa Hong Kong kahapon para markahan ang ika-20 anibersaryo ng pamamahala ng China habang nasa lockdown ang lungsod at naglatag ng matinding seguridad bago ang mga pagdiriwang at protesta s Hulyo 1.
Ibinalik ng Britain ang Hong Kong sa pamamahala ng mga Chinese noong 1997 sa ilalim ng “one country, two systems” formula na gumagarantiya ng malawak na autonomy at judicial independence na wala sa mainland China.
Lumala ang tensiyon sa pagitan ng Hong Kong at China sa gitna ng mga pangamba at galit sa lumalawak na pakikialam ng Beijing sa dating British colony.