Ni: Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 n.g. – SMB vs TNT
HINDI pa tapos ang laban.
Ito ang kapwa sinabi at iniisip ng finals protagonists sa 2017 PBA Commissioners Cup San Miguel Beer at Talk N Text matapos ang Game 3 ng kanilang best-of-seven finals series kung saan nakakuha ang Beermen ng 2-1 lead matapos gapiin sa ikalawang sunod na pagkakataon ang Texters, 109-97, sa Araneta Coliseum.
Sa kabila ng 2-1 bentahe, naniniwala si Beermen coach Leo Austria na wala pa silang dahilan upang magbunyi.
“Well, it’s far from over. We don’t want to celebrate this game because this win is nothing yet," pahayag ni Austria matapos ang huling panalo. “We need to prepare for our fourth game — we have a commanding lead ‘pag naging 3-1, but it’s really hard to get win number three.”
Bagama’t dominado nila ang TNT sa nakaraang huling dalawang laban, hindi niya inaalis ang posibilidad na makabawi ang kalaban.
"It's a game of adjustments at pagdating dyan magaling si coach Nash (Racela) at ang kanilang coaching staff, so we have to be prepared, " ani Austria.
Sa panig naman ng Texters, mismong si import Joshua Smith ang umaming na -outplay at out hustle sila ng SMB noong Game 3.
"Some guys are down, I mean we did not play our best, " ani Smith matapos ang pagkatalo.
Naging malaking kadahilanan din ng kanilang kabiguan ang napakarami nilang turnovers bunga ng malagkit na depensa ng Beermen ayon pa kay Smith.
"We turn the ball 23 times and they got 26 points out of it.And that's the name of the game right there. They played harder than us, " aniya.
Gayunman, naniniwala siyang may malaki pa silang tsansa upang makabawi.
"The series isn't over. It's only 2-1. We just gotta keep going, " pahayag ni Smith.