HALLE, Germany (AP) — Nanaig si Roger Federer kay Karen Khachanov 6-4, 7-6 (5) para makausad sa final ng Gerry Weber Open nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ito ang ika-11 pagkakataon na lalaban siya sa championship ng torneo. Target ni Federer ang ika-92 career title at ika-140th final sa pagharap kay fourth-seeded Alexander Zverev, nagwagi kay Richard Gasquet 4-6, 6-4, 6-3.

Hataw si Zverev, Germany's top-ranked player at No. 12, sa naiskor na 11 ace at naipanlo ang walong break opportunities sa larong umabot ng mahigit dalawang oras.

"He's the best of all time on this surface," pahayag ni Zverev, patungkol kay Federer na nagapi niya rito sa semifinal sa nakalipas na taon."It will still be a very difficult match."

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!