Ni NITZ MIRALLES

NAGPALIT na pala ng pangalan si Charice Pempengco at mula ngayon, makikilala na siya at tatawaging Jake Zyrus.

Charice copy

Wala pang nakakapag-interview kay Jake kaya hindi pa alam kung bakit nag-decide siyang palitan ng male name ang nakagisnan niyang pangalan at kung bakit Jake Zyrus ang napili niya.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Nagtatanong ang fans ni Jake kung pati legal documents niya from birth certificate, passport, driver’s license, at government IDs ay papalitan din niya ang kanyang bagong pangalan.

Mahaba at matagal na proseso ito, pero kung ang kapalit naman ay happiness at peace of mind ni Jake, sino ba naman tayo para makialam?

Deleted na rin ang Instagram (IG) account ni “Charice” at ang bagong IG account ay Jake Zyrus na ang pangalan. Isa pa lang ang post niya, “Thank You” lang ang naka-post.

Sa Twitter, nag-tweet si Jake ng, “My first tweet as Jake. Overwhelmed. Saw all your love comments and I’m so happy. Finally. I love you, everyone and see you soon.”

Sinundan niya ito ng isa pang tweet na, “I won’t let anyone ruin this moment. I won’t let anyone ruin my happiness. Thank you to all the beautiful write ups about me.”