Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Mgayon

(Ynares Sports Arena)

12 n.h. -- Wang’s vs Gamboa Coffee Mix

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- Cignal HD vs Racal Motors

MATAPOS ang unang tatlong pagkabigo, nakabasag na rin sa wakas sa win column ang Zarks Burger nang igupo ang AMA Online Education, 109-91, kahapon sa 2017 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naiiwan sa 23-24 sa pagtatapos ng first period, humataw sa second quarter ang Jawbreakers sa pamumuno nina James Mangahas at Clark Bautista upang maitala ang 55-45 na bentahe sa halftime.

Itinala ni Mangahas ang 11 sa kanyang team-high 26 puntos sa nasabing yugto at 13 naman sa kanyang kabuuang 28 puntos na output si Bautista para sa nssabing pagkalas ng Zarks.

Sinikap pang humabol ng Titans at dalawang beses silang dumikit, pinakahuli sa iskor na 83-90 may 3:58 pang oras na nalalabi pagkatapos ng basket ni Ivan Villanueva.

Buhat noon, isinara ng Zarks sa pamamagitan ng 19-8 run ang laro upang makamit ang panalo na nagdulot naman sa AMA ng ikatlong sunod nitong talo.

Pinangunahan ni Villanueva ang Titans sa iniskor na game high 29-puntos, at 15 rebound.

Iskor:

Zark’s Burger 109 - Mangahas 26, Celiz 25, Bautista 18, De Leon 11, Cayabyab 10, Sheriff 7, Nalos 6, Cudal 3, Ferrer 3, Cariaga 0, Argamino 0, Juruena 0.

AMA Online 91 - Villanueva 29, Bonleon 20, Pontejos 15, Paras 7, Macaranas 5, Subido 2, Jordan 2, Alas 1, Calma 0, Celso 0, Malones 0.

Quarterscores: 23-24; 55-45; 73-66; 109-91.