Ni: Mary Ann Santiago
Umaga pa lamang nitong Lunes ay naperwisyo na ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos tatlong ulit na naaberya ang mga tren nito dahil sa problemang teknikal.
Dakong 6:25 ng umaga naganap ang unang aberya sa GMA Kamuning Northbound station kayat pinababa ang mga pasahero at hinatak pabalik ng depot ang tren bago naibalik sa normal ang operasyon.
Makalipas ang halos isang oras, nagkaproblema naman ang isa pang tren dakong 7:12 ng umaga sa Guadalupe Northbound station ngunit, at sinundan dakong 10:18 ng umaga sa Kamuning Northbound station.