IPINAGKALOOB ng Philippine Sports Commission (PSC) ang cash incentive na P150,000.00 para sa Team Davao City na tumapos na ikatlo sa overall championship sa nakalipas na Batang Pinoy National Championship.

Tinanggap nina Atty. Zuleika Lopez, City Administrator at Michael Denton Aportadera, Officer-in-Charge ng City Sports Development Division at City Anti-Drug Abuse Council, kinatawan ni Mayor Sara Duterte Carpio, ang tseke na personal na iniabot ni PSC Sr. Executive Assistant Ronnel Abrenica.

“The incentives offered to winners are not a lot but it shows the PSC’s recognition for the LGU’s efforts to becoming partners for sports development and most importantly it shows appreciation for the hard work the children put into preparing and participating in the Games,” pahayag ni Abrenica.

Naglaan ng cash incentives ang pamahalaan sa Batang Pinoy winners na ginanap sa Tagum City, Davao del Norte para matugunan ng mga LGU’s ang pinansiyal na pangangailangan sa pagsasanay at kagamitan ng kanilang mga atleta. Tinanghal na kampeon ang Baguio City, habang ikalawa ang Cebu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Batang Pinoy ay programa ng pamahalaan para sa mga batang may edad 17-anyos pababa. Umabot sa kabuuang 14,000 ang mga lumahok sa nakalipas na edisyon. Nakatakda ang 2018 edition ng Batang Pinoy sa Pebrero.