US$200M, alok kay Curry para mapanatili ang hataw ng Warriors.
OAKLAND, Calif. (AP) — Usap-usapan na ang ‘Splash Brothers’ nang makamit ng Golden State ang kauna-unahang kampeonato matapos ang mahigit tatlong dekada noong 2015. Nabigo man sa kampanyang back-to-back, muling nangibabaw ang Warriors laban sa Cleveland – ang koponang kumurot sa kanilang puso – para muling tanghaling kampeon.
Sa pagkakataong ito, ang pagkakadagdag ni one-time MVP at scoring champion Kevin Durant ang dahilan para bansagan silang ‘super team’. At hindi malayong, makalikha sila ng dynasty sa NBA sa hinaharap.
Mismong si LeBron James – tinaguriang pinakamahusay na player sa kasalukuyan – ay naniniwala sa dominasyon ng Warriors.
“They’re assembled as good as you can assemble, and I played against some really, really good teams that was assembled perfectly, and they’re right up there,” sambit ni James.
Dalawang titulo sa tatlong sunod na NBA Finals. At tila nagsisimula pa lamang ang Warriors sa ayuda.
“We’re obviously just getting started,” pahayag ni Curry.
Tunay na mas kakaiba ang tamis ng tagumpay ngayon para kay Curry dahil sa katotohanan na paghihiganti sa masakit na karansan sa nakalipas na season ang nagtutulak sa kanila para mas maging matatag.
Sa pagkakataong ito, kasama nila si Durant, nagwagi ng unang kampeonato sa kanyang ika-10 season sa liga.
“It’s different just because of what happened last year to be honest,” sambit ni Curry.
“We went through, for lack of a better term, basketball hell in that sense of just being so close to getting the job done and not realizing that goal and having to think about that for an entire year and compartmentalize and just try to keep the right perspective about this season and learn the lessons that we learned.”
Kung hindi naganap ang nakawiwindang na pagkolapso ng Warriors mula sa 3-1 bentahe sa nakalipas na season, nakasama ang Warriors sa maiksing listahan ng mga koponan na nakapagwagi ng ‘three-peat’.
Ang Los Angeles Lakers (2000-02) ang huling koponan na nakalikha ng dynasty. Bahagi ng naturang ‘super team’ ang hall-of-famer na si Shaquille ‘O Neal at kareretiro pa lamang na si Kobe Bryant.
Hindi sinasadya ang coach ng Warriors ay si Steve Kerr, ay miyembro ng Chicago Bulls, tanging koponan na nakagawa ng dalawang ‘three-peat’ sa dekada 90.
Handa na ba ang Warriors para makalikha ng dynasty?
Para maisulong ang layunin, kailangan ang masusing paghahanda at ang unang hakbang ng Golden State management at mapanatiling buo ang koponan, sa pangunguna ni Curry na isang lehitimong ‘free agent’ sa pagbubukas ng 2018 season sa Agosto.
Nauna nang ipinahayag ni team owner Joe Lacob na naihanda na nila ang bagong kontrata ni Curry na nagkakahalaga ng US$200 milyon – malayo sa US$12 milyon na tinanggap ng reigning back-to-back MVP ngayong 2017 kung saan sinandigan niya ang impresibong marka ng Warriors kabilang ang league record na 16-1 sa postseason.
“you got a bunch of guys who are talented and can shoot and pass and dribble, and they’re unselfish. There was never any question in my mind that this was going to work. So, this is the culmination of a year where they grew together and learned each other’s games and got better and better all year, and it was just phenomenal to be part of,” pahayag ni Kerr.