jULIA copy copy

Ni: Cover Media

BUNTIS sa kanyang unang anak si Julia Stiles.

Isisilang ng Jason Bourne star, 36, ang anak nila ng fiancé na si Preston J. Cook sa huling bahagi ng taon, pahayag ng kanyang mga kinatawan sa People.com.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Wala pang komento si Julia tungkol sa masayang balita, ngunit kamakailan ay nag-post siya ng litrato na nakahawak siya sa kanyang tiyan, nang bumisita siya sa Magic FM radio station ng London para i-promote ang bago niyang TV series na Riviera.

Nagkakilala ang happy couple sa set ng 2015 film na Go With Me, na si Preston ang camera assistant.

Tinanggap ni Julia ang alok na kasal ni Preston habang nagbabakasyon sila sa Isla Grande sa Colombia noong Christmas Eve ng 2015, at ibinalita niya ito sa kanyang mga tagahanga sa Instagram nang i-post niya ang larawan ng kanyang singsing noong Enero 2016.

“Best Christmas Ever!” caption niya sa litrato, na kahawak-kamay niya ang kanyang fiance.

Gayunman, inamin ng aktres nang mga sumunod na buwan na hindi pa nila gaanong napaplano ang kanilang kasal.

“I’m not getting a ton of marital advice,” aniya sa People nang mga panahong iyon. “We’re really slow on the wedding planning so I haven’t really been soliciting advice.”

Kahit na wala pang malinaw na plano, nagpahiwatig ang bride-to-be na maaari silang bumalik sa Colombia para magpakasal doon.

“All around, it was a really wonderful trip,” nakangiting sabi niya. “We stayed on an island that was really beautiful and there was a lot of great snorkelling. The city was really nice, too, but because I live in the city the natural scenery was really great.”