Ice cube copy

TINANGGAP ng rapper-turned-actor na si Ice Cube ang kanyang bituin sa Hollywood Walk of Fame nitong Lunes at pinasalamatan ang lahat na tumulong sa kanyang karera sa musika at pelikula.

Dumalo ang kanyang mga kaibigan at pamilya sa seremonya sa Hollywood Boulevard, kabilang si Dr. Dre na kamiyembro niya sa seminal “gangsta” rap group na N.W.A.

“You know, you don’t get here by yourself and when you’re coming up doing music, movies, just trying to be creative, you never figure you’ll be on the Hollywood Walk of Fame one day,” sabi ni Ice Cube.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“So today is not really about Ice Cube, it’s about all the people who helped me get here,” dugtong niya.

Si Ice Cube, isinilang na O’Shea Jackson, ay sumikat noong 1980s kasama si Dr. Dre sa maimpluwensiyang West Coast rap group na N.W.A.. Siya ang sumulat ng mga liriko ng karamihan sa mga awitin sa kanilang iconic album na Straight Outta Compton.

Nang umalis sa grupo dahil sa iringan sa royalty, naglabas siya ng debut solo album na AmeriKKKa’s Most Wanted noong 1990.

Sumabak siya sa pag-arte noong 1991 sa starring role sa pelikulang Boyz n The Hood ni John Singleton tungkol sa buhay sa Los Angeles ghetto. Simula noon ay lumabas siya sa mga pelikulang Friday, Barbershop, at Three Kings.

Si Ice Cube din ang producer ng 2015 biopic na Straight Outta Compton, na nagsasalaysay ng istorya ng N.W.A. Ginampanan ng anak niyang si O’Shea Jackson Jr. ang kanyang karakter sa pelikula.