dormitoryo copy

PINATUNAYAN ni Arianna Dormitorio ang pagiging numero uno sa women’s mountain bike race nang angkinin ang gintong medalya sa 2017 Asian Mountainbike Invitationals/Philippine National Championship kahapon sa Danao City, Cebu.

Tinapos ng 19-anyos na si Dormitorio, gold medalist sa Southeast Asian at Asian Mountain bike, ang mapaghamong 17-kilometrong ruta sa tiyempong isang oras , 13 minuto at 29 segundo para manguna sa torneo.

Mahigit isang minuto ang bentahe niya sa pumangalawang si Nuntana Supaksorn ng Thailand, habang nakamit ng isa pang Thai rider na si Warinothorn Petprapharn, ang 2014 Asian Continental junior champion, ang bronze medal.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Ikaapat na nakatawid sa finish line si Taiwanese Zi Yen Chen .

Naging komportable sa kanyang panalo si Dormitorio ayon sa kanyang coach na si Donjie Pascual dahil nagawa nilang ma -scout ang mga karibal sapat para maiwan niya ang mga ito nang mahigit dalawang minuto sa kalagitnaan ng karera.

Nakatakdang lumahok sa susunod pang mga yugto ng Asian MTB series sa darating na Agosto at Nobyembre si Dormitorio kung saan target nyang mapanatili ang kanyang titulo.

Nakapanghihinayang at hindi kabilang ang mountain bike sa sports event na paglalaruan sa 28th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-30. (Marivic Awitan)