Malusog ang Pangulong Rodrigo Duterte ngunit kailangan din nitong magpahinga kasunod ng bugbog na trabaho sa pagharap sa gulo sa Marawi City.

Ito ang paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella matapos hindi makadalo ang Pangulo sa tradisyunal na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes.

“The President is actually in excellent good health except for the fact that his schedules have been brutal,” ani Abella sa press briefing sa Palasyo. “Today (Martes), he’s resting. It’s private time,” dugtong niya.

Sinabi ni Abella na nais sana ng Pangulo na dumalo sa pagdiriwang nitong Hunyo 12 ngunit kinailangan nitong magpahinga. Pagod diumano si Digong sa pagbisita sa maraming kampo militar, at sa burol ng mga sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Marawi City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“You have to credit to the President considering everything that he has been actually honoring the military dead, civilian dead and he has been actually going around,” wika ni Abella. “I think we need to allow him a few rest. He was actually top of the situation however he also needed rest.”

Nakatakda sanang pamunuan ng Pangulo ang flag-raising at wreath-laying activity sa Rizal Park para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes. Sa halip ay sina Vice President Leni Robredo at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang nanguna sa mga pagdiriwang nang hindi makarating ang Pangulo.

Sa bisperas ng Araw ng Kalayaan, nagbigay-pugay ang Pangulo sa mga namatay na Marines sa bakbakan sa Marawi City sa Villamor Air Base nitong Linggo. Nakiramay din siya mga pamilya at nagkaloob ng tulong pinansiyal. Bago nito, bumisita siya sa kampo ng militar sa Cagayan de Oro City para palakasin ang morale ng mga sugatang tropa.

(Genalyn D. Kabiling)