TANAUAN CITY, Batangas - Halos tatlong buwan ang nakalipas matapos makalaya mula sa New Bilibid Prison (NBP), tinambangan at napatay ng hindi nakilalang suspek ang isang dating bilanggo sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Mariano Malaluan, 65, taga-Barangay Wawa sa lungsod, habang pinaghahanap pa ang tatlong suspek na nakatakas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:20 ng gabi nitong Lunes at sakay si Malaluan sa Tamaraw FX (WEZ-397) na minamaneho ng kanyang pamangkin nang pagbabarilin sila sa Bgy. Wawa.

Nanggaling umano si Malaluan kay Jiennch Nones, chairman ng Bgy. Wawa, para kumuha ng mga dokumento bago siya pinagbabaril.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid sa record ng pulisya na taong 2007 nang nahatulan si Malaluan sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa kapitbahay na si Pablito De Leon, at Marso ngayong taon nang mabigyan ng parole at makalaya. (Lyka Manalo)