feu copy

NAGPAKITANG gilas ang defending champion FEU-NRMF-Gerry’s Grill nang dungisan ang dating walang talong Colegio de San Lorenzo-V Hotel, 91-57, at patatagin ang tsansa sa 2017 MBL Open basketball championship sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Nagpasiklab sina Glen Gravengard at Clay Crellin para sa Tamaraws, na kaagad umarangkada sa kaagahan ng first period tungo sa dominanteng panalo.

Ang Fil-German na si Gravengard, umaasam na makalalaro sa PBA, ay umiskot ng 21 puntos kabilang ang apat na three-point shots, habang kumana si Crellin, runaway MVP awardee sa nakalipas na taon, ay nag-ambag 18 puntos.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Nag-ambag ang beteranong si Erwin Sta. Maria ng 12 puntos para sa Nino Reyes-managed Tamaraws, naitala ang ikalimang panalo sa anim na laro sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry’s Grill.

Pinaglaro ni coach Pido Jarencio ang lahat ng players, kabilan g sina star forward Kareem Abdul at Moustapha Arafat, naglalaro ng husto para sa panalong ini-alay nila kay assistant team manager Ricky Simpao.

Pumanaw si Simpao nitong Sabado bunga ng sakit sa puso.

“Para kay manager (Simpao) ito,” pahayag ni Gravengard,

Nanguna si Dominic Formento sa kanyang 14 puntos para sa Boni Garcia-mentored Griffins.

Iskor:

FEU-NRMF-Gerry’s Grill (91) – Gravengard 21, Crellin 18, Sta. Maria 12, Bautista 10, Gumabay 8, Abdul 4, Arafat 4, Diwa 4, Manalo 4, Zamora 2, A. Santos 2, J. Santos 2, Tan 0.

CdSL-V Hotel (57) -- Formento 14, Castanares 11, Rosas 8, Paclarin 8, Alvarado 6, Chabi Yo 5, Borja 4, Laman 2, Gohar 3, De la Cruz 2, Nuyda 2, Paclarin 0, Calizo 0.

Quarterscores: 26-12, 44-21, 63-40, 91-57.