Umabot sa 153 pulis ang sinibak makaraang masangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalian.

Sinabi ni Alfegar Trambulo, Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) inspector general, na kabilang sa tinanggal ang isang senior superintendent.

Ayon kay Trambulo ang senior superintendent ay nakatalaga sa Cental Luzon, ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Ang 153 sinibak ay walang nakuhang pera mula sa PNP matapos alisin ang karapatan nilang tumanggap ng sahod at benepisyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay robbery extortion, kidnapping at robbery.

Dagdag ni Trambulo, may 50 pulis pa ang nakatakdang masibak.

Ang direktiba na magtatanggal sa 153 pulis ay nilagdaan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, batay sa rekomendasyon ng PNP-AIS.

Limampu sa mga pulis na nakatakdang sibakin ay kasalukuyang nasa tanggapan ng PNP chief. (Fer Taboy)