Maria Sharapova (Bernd Weissbrod/dpa via AP)
Maria Sharapova (Bernd Weissbrod/dpa via AP)
PARIS (AP) — Hindi na maglalaro si Maria Sharapova sa qualifying tournament ng Wimbledon bunsod ng dinaramang injury sa kaliwang pige.

Sa kanyang mensahe sa Facebook nitong Sabado (Linggo sa Manila), sinabi ni Sharapova na kailangan niyang sumailalim sa karagdagang pagsusuri para maghilom ang napunit na muscle sa kanyang pagsabak sa Italian Open sa nakalipas na buwan.

“I will continue to work on my recovery,” aniya.

Kinumpirma ng kampo ni Sharapova ang kanyang pahayag at sinabing nakatakda sumabak ang Russian star sa hard court tournament sa Stanford, California simula sa Hulyo 31.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nagbalik aksiyon si Sharapova matapos ang 15-buwang doping banned nang magpositibo sa ipinagbabawal na ‘meldonium’ sa Australian Open noong Enero 2016.

Dahil sa mababang ranking na No. 178, kailangan ni Sharapova na sumabak sa qualifying para makalaro sa main draw. Nakalalaro siya sa torneo sa pamamagitan ng wild card na ibinibigay ng tournament organizer. Nitong French Open, hindi nagbigay ng pabor ang organizer kay Sharapova.