ni Bella Gamotea

Bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa industriya ng langis, inaasahang bababa ng P1 o higit pa ang kada litro ng gasolina at diesel.

Ang nakaambang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunga ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nitong Hunyo 6, nagbawas ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Shell, ng 90 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene, at 55 sentimos sa gasolina.