Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga employer na ipakita ang kanilang pagiging makabayan sa pagbibigay ng tamang pasahod bukas, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, na isang regular holiday.

Sa inilabas na advisory ng DoLE, kung hindi nagtrabaho bukas, Araw ng Kalayaan, babayaran siya ng 100% ng kanyang sahod. Kung pumasok naman, babayaran ng 200% ng kanyang regular na sahod sa unang walong oras.

Kung nagtrabaho nang mahigit sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30% ng kada oras na kita, samantalang kung natapat sa day off ay babayaran ng karagdagang 30% ng arawang kita. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador