Permanente nang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “no window hours” policy sa number coding scheme dahil sa paggaan o pagbuti ng sitwasyon sa trapiko sa EDSA.

Ito ang inihayag ni MMDA Chairman Danilo Lim matapos sabihin na wala na siyang planong palitan ang nasabing umiiral na patakaran at pinag-aaralan nang pag-igihan ang ibang paraan upang makatulong sa pagresolba sa problema sa trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila.

Binigyang-diin ni Lim ang bumilis na biyahe ng mga motorista sa EDSA sa tulong ng “no window hours’.

Sa ilalim ng number coding scheme ng ahensiya, bawal na bumagtas sa lansangan tuwing Lunes ang mga sasakyang nagtatapos sa plakang 1 at 2; Martes, 3 at 4; Miyerkules, 5 at 6; Huwebes, 7 at 8; at tuwing Biyernes naman ang 9 at 0.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Samantala para sa no window hours, hindi pinahihintulang dumaan ang mga apektadong sasakyan sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila, tulad ng EDSA at C-5, simula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi. Subalit pinapayagan ang mga apektadong sasakyan mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. (Bella Gamotea)