LEA copy copy

SA ikalawang pagkakataon, muling inimbitahan ang coach ng #TeamLea ng The Voice Teens Philippines na si Lea Salonga para dumalo sa 71st Tony Awards (presented by The American Theater Wing) para maging presenter ng isa sa mga nominadong Best Revival of a Musical, ang Miss Saigon na ibinalik this year sa Broadway Theater pagkaraan ng halos 25 years since it’s last performance in 1991.

Lumipad patungong New York City ang Broadway diva in time para sa awards night ngayong Linggo, June 11 (Lunes, Hunyo 12 sa ‘Pinas) sa Radio City Music Hall, iho-host ni Kevin Spacey, at ibo-broadcast nang live ng CBS.

Si Lea ang origihal na Kim nang mabukas ang Miss Saigon sa West End noong 1989; at siya rin ang gumanap ng role sa Broadway sa New York City nu’ng 1991.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa Broadway revival, isang Fil-Am ang humalili sa role na ginampanan ni Lea. Her name is Eva Noblezada na nominadong Best Leading Actress in a Musical sa Tony Awards ngayong taon.

Ang iba pang Pinoy stars na kasama sa Broadway revival ng award-winning musical ay sina Jon Jon Briones (The Engineer), Rachelle Ann Go (Gigi Van Tranh), Devin Ilaw (Thuy) at Lianah Sta. Ana (alternate Kim).

Bukod kay Lea, kabilang din sa celebrity presenters sina Whoopi Goldberg, Orlando Bloom, Glen Close, Lin- Manuel Miranda (creator ng Broadway musical na Hamilton), John Legend, Mark Hamill, Jonathan Groff, Scarlett Johansson, Sally Fields at marami pang iba.

Unang tuntong ni Lea sa entablado ng Tony Awards nu’ng 1991 nang mag-perform ang buong cast ng Miss Saigon na nominadong best musical that year.

Nominado rin noon sina Lea (leading actress in a musical) at Jonathan Pryce (leading actor in a musical). Luckily, parehong naiuwi ng dalawa ang coveted acting trophies.

After she won her first Tony Awards in 1991, muling inimbitahan si Lea, kasama sina Harry Connick, Peter Gallaghar at Michelle Lee para sa opening number ng 56th Tony Awards bilang tribute sa 100th anniversary ng Richard Rodgers theater sa Broadway.

Pagkaraan ng halos 15 years, balik-Radio City Music Hall ang ipinagmamalaki nating Broadway legend.

And for the record, nag-iisang Pinay at Asian theater actress si Lea na nag-uwi ng Tony Awards sa Broadway at Laurence Olivier sa West End sa London, UK. (LITO MAÑAGO)