NAPIGIL ng Far Eastern University ang ilang serye ng ratsada ng Emilio Aguinaldo College para sa 68-61 panalo sa 2017 Fil-Oil Flying V Premier Pretty Season Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nakopo ng Tamaraws ang anim na sunod na panalo matapos ang unang kabiguan para pantayan ang San Sebastian College sa Group B habang bumagsak naman ang Generals sa barahang 2-5.

“Slowly, nakukuha na yung gusto naming mangyari for UAAP. Hindi pa lahat. One is competitiveness, ‘yun nakukuha namin yun. Gusto ko makita once we get to the playoffs, how they will react,” pahayag ni FEU coach Olsen Racela.

Nagawang limitahan ng Tamaraws ang Generals sa 33 percent shooting at 19 percent mula sa 3-point area.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna rito, nakopo ng Stags ang kanilang ika-6 na panalo pagkaraang igupo ang University of the Philippines, 64-51.

Pinangunahan ni RK Ilagan ang nasabing panalo nang tumapos itong may 14-puntos at tatlong rebounds kasunod si Jason David na may 13 puntos.

“Everybody is stepping up and we played good defense in the second half, “ ani Stags coach Egay Macaraya.