YASSI AT COCO copy copy

PATULOY nang namamayagpag ang career ni Yassi Pressman. Bukod sa napakagandang role sa FPJ’s Ang Probinsiyano bilang asawa ni Coco Martin ay sunud-sunod ang kanyang endorsements.

Pero kahit sinasabing isa na siya sa mga sikat na Kapamilya stars ay nananatiling humble si Yassi.

“I have my family and friends na mga kaibigan ko simula bata ako. Ayaw ko rin namang lumayo sa dating ako pero we can improve everyday at dapat na huwag na nating iwanan ang dating tayo,” banggit ng dalaga.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bukod sa taglay na kagandahan, isa raw sa hinahangaan nang husto ni Coco kay Yassi ang ugali ng aktres. Kaya hindi kataka-taka na ang Kapamilya aktres na raw ang paboritong leading lady ngayon ng primetime king.

Sobra-sobra pag-aasikaso raw ang ginagawa ni Coco sa dalaga sa taping nila.

“Hindi lang naman ako, mabait si Coco sa lahat sa amin. Ganu’n talaga siya kaasikaso,” salag ni Yassi.

Nagkuwento rin si Yassi na marami pa ang kaabang-abang na mga eksena sa serye nila.

“Marami pang mga heavy scenes na gagawin at marami pang pagsubok na darating. Sabi nga nila, kung anong saya ngayon, ano naman kaya ang kapalit? Marami pa silang dapat abangan sa istorya,” kuwento ng aktres. (Jimi Escala)