Tiwala si Senator Loren Legarda na makakayanan ng buong mundo ang laban kontra sa global warming at climate change kahit pa umatras si US President Donald Trump sa Paris Agreement on Climate Change.

“It is unfortunate that Mr. Trump decided to pull out from the Paris Agreement. The decision reeks of ignorance and condemns US foreign policy into infamy. It is truly a sad day, but we are not hopeless,” sinabi ni Legarda, chairperson ng Senate committee on climate change.

Idineklara kahapon ng Amerika na bumibitaw na ito sa makasaysayang kasunduan dahil hindi raw niya kayang suportahan ang isang polisiya na magpapahirap sa US.

Sinabi ni Legarda na patuloy ang paghahanap ng mundo ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya na hindi makaaapekto sa ating klima.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“The way forward is for US cities and states to enforce it. Americans are even eager to do their share. They can continue to demand from their leaders and lead themselves. The private sector can be the game changer,” sabi ni Legarda.

“There’s no turning back especially for leaders who are enlightened, for nations who understand the risks of inaction to their people,” dagdag ng senadora.

Aniya, nananatiling matatag ang mga bansa na sumusuporta sa Paris Agreement.

“It is morally just and offers the planet the prospect of continued economic progress. We need to work harder together for the sake of our only planet and the future generations,” ani Legarda. - Leonel M. Abasola