LAOAG CITY, Ilocos Norte - Patay ang isang umano’y gun-for-hire habang sugatan naman ang isa pa makaraang ratratin ang kanilang sasakyan sa airport road sa Barangay 50 Buttong sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon kay Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag City Police, nasawi si Jonathan Bagamaspad, 49, ng Bgy. Bungcag, Dingras, nasa drug watch list at ikaanim na high value target ng Ilocos Norte Police Provincial Office.

Sugatan naman si Rollo Corpuz, 46, ng Bgy. San Vicente, Sarrat, na ginagamot pa sa ospital.

Sinabi ni Balles na sina Bagamaspad at Corpuz ay kapwa miyembro ng isang gun-for-hire group at responsable rin umano sa pagpatay sa board of director ng Ilocos Norte Electric Cooperative.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Batay sa report, sakay ang dalawa sa isang Honda Jazz (VEA-142) nang pagbabarilin ng motorcycle-riding criminals bandang 5:00 ng hapon nitong Miyerkules.

Tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. (Liezle Basa Iñigo)