NAPANATILI ng Philippine Air Force (PAF) ang men’s Open crown matapos pasukuin ang Philippine Army, 3-1, sa Cebuana Lhuillier-ASAPHIL Summer Grand Slam XI National Open Fast Pitch Softball Championship nitong weekend sa Cabuyao City, Laguna.

Naging doble ang selebrasyon ng Air Force batters nang ungusan ang Polytechnic University of the Philippines, 1-0, para sa men’s Club division title sa torneo na nilahukan ng 46 club team.

Nasungkit din ng Air Force ang individual award, sa pangunguna ni Christian Galledo na nahirang na ‘Most Stolen Bases’, Leo Barredo bilang MVP sa men’s Open, Michael Pagkaliwagan na tinanghal na ‘Best Slugger’, Christian Paul de Leon ‘Best Hitter’ at EJ Sarmiento bilang MVP sa men’s Club category.

Tumapos na pangatlo ang Zamboanga sa men’s Open kabuntot ang Cebu City, habang pangatlo ang Rizal Technological University sa men’s Club kasuntot ang San Rafael, Bulacan .

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa women’s side, nanaig ang Philippine Youth kontra powerhouse Adamson, 3-2. (AP)