BAUAN, Batangas – Nasawi ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos umanong makuryente habang inaayos ang sirang electric fan sa loob ng kanilang bahay sa Bauan, Batangas.

Dead on arrival sa Bauan Doctors General Hospital si Joel Bacay, 33, taga-Barangay Bolo, Bauan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:00 ng hapon nitong Lunes nang makuryente sa live wire si Bacay habang inaayos ang sirang bentilador. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog