BUGALLON, Pangasinan - Patay na nang abutan ng pamilya ang isang lalaki makaraang tamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa bukid sa Barangay Laguit Centro sa Bugallon, Pangasinan.

Nabatid sa ulat ng Bugallon Police na nagtatrabaho si Elvis Ochoco, 30, sa kanyang amo na si Alex Garacho nitong Linggo hanggang inabutan ng gabi dahil sa malakas na ulan at matatalim na kidlat.

Nabatid na mismong si Garacho ang nakatuklas sa sinapit ni Ochoco bandang 7:00 ng gabi nitong Linggo.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol