6241763760_IMG_0954 copy

Isiniwalat kahapon ng Bureau of Customs (BoC) na isang sindikato, posibleng binubuo ng mga Chinese at Pilipino, ang nasa likod ng nasamsam na P6 na bilyon halaga ng droga sa Valenzuela City noong Sabado.

“Base sa mga impormasyon na ina-analyze natin, malaking posibilidad na syndicated ito kasi organized ang paggalaw nila,” sinabi ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Chief Col. Neil Estrella sa press conference kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters.

“Ang pagkakaimpake ng kargamento na ‘to, it took us for hours just to open a very small part of the metal. Without special equipment, it will be hard to open it,” ani Estrella at idinagdag na tanging mga sindikato lamang ang makagagawa ng ganitong istilo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ipinaliwanag ni Estrella na ang mga ilegal na droga ay itinago sa “very thick metal, wrapped with a thick rubber and has wood under the metal.”

“So kahit physical inspection hindi mo siya makikita,” dugtong ni Estrella. (Betheena Kae Unite)