BEIJING (Reuters) – Hindi natuwa ang China sa pagbanggit sa isyu ng East at South China Sea sa pahayag ng Group of Seven (G7), at sinabi ng isang tagapagsalita ng Chinese foreign ministry na dapat itigil ng G7 ang mga iresponsableng pahayag.

Sinabi ni spokesman Lu Kang kahapon na pursigido ang China na maayos na maresolba ang mga gusot sa lahat ng nasyon na sangkot sa kapayapaan at katatagan sa East China Sea at South China Sea.

Sa kanilang communique nitong Sabado, sinabi ng mga lider ng G7 na nababahala sila sa sitwasyon sa South China Sea at East China Sea. Nanawagan din sila ng demilitarization sa “disputed features” o mga pinagtatalunang lugar.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'