Untitled-1 copy copy

James vs Curry, hidwaan na mahirap pantayan sa NBA.

OAKLAND, California (AP) – Hindi ito naganap sa era nina basketball great Magic Johnson ng Lakers at Larry Bird ng Celtics. Maging sa kapanahunan nina Michael Jordan ng Bulls at Karl Malone ng Jazz, gayundin sa career nina Jerry West at Bill Russell.

Naitala ang 14 na rematch sa kasaysayan ng NBA Finals, ngunit, natatangi at kauna-unahan sa pamosong liga ang paghaharap ng dalawang future hall-of-famer -- LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Stephen Curry ng Golden State Warriors – sa NBA ‘trilogy’.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Matapos gapiin ng Warriors ang Cavs para sa unang titulo matapos ang 40 taon noong 2015, bumawi ang Cleveland sa impresibong pagbangon mula sa 1-3 paghahabol para makamit ng lungsod ang kauna-unahang major championship mula noong 1964.

Ngayon, muling papagitna ang dalawang koponan para sa rubber match simula sa Hunyo 1 (Hunyo 2) sa Oracle Center sa Oakland, California. Bilang top NBA team sa regular season, tangan ng warriors ang home court advantage sa serye.

Kung sa NBA, ito ang kauna-unahang kaganapan, nangyario na ito sa iba pang prominenteng pro league tulad ng NFL, NHL at Major League Baseball na tinampukan nang pinakamalalaking star player ng kanilang henerasyon.

Nagtuos sina Babe Ruth at Frankie Frisch noong 1920, gayundin ang hindi malilimot na ‘three-peat’ noong 1950, tampok sina Otto Graham at Bobby Layne sa NFL at Gordie Howe laban kay Maurice Richard sa NHL.