JAKARTA (Reuters) – Nanawagan si Indonesian President Joko Widodo sa mamamayan na manatiling kalmado kahapon, isang araw matapos paslangin ng mga pinaghihinalaang Islamist suicide bomber ang tatlong pulis sa isang terminal ng bus sa kabisera ng bansa.

Sampung katao, kabilang ang limang pulis at limang sibilyan ang nasugatan sa dalawang pagsabog na limang minuto lamang ang pagitan ng dalawang suspek sa Jakarta nitong Miyerkules ng gabi.

“We must continue to keep calm (and) keep cool. Because ... we Muslims are preparing to enter the month of Ramadan for fasting,” saad sa pahayag ni Widodo.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture