SAN MANUEL, Tarlac - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang hindi kilalang pulubi matapos siyang magkadurug-durog nang masagasaan ng isang 10-wheeler wing van truck sa highway ng Barangay San Agustin sa San Manuel, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, ang nasagasaan ay may taas na 5’4”, nakasuot ng maong short pants, asul na T-shirt, at sinasabing pagala-gala lang sa ilang lugar ng San Manuel, Tarlac.

Dakong 5:00 ng umaga at naglalakad ang biktima sa gilid ng highway nang mabundol at makaladkad ng truck.

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang nakabundol sa palaboy, na nakalagak ngayon sa Santos-Salvador Funeral Service sa Bgy. San Miguel sa San Manuel, Tarlac. (Leandro Alborote)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito