230517_ABANDONED_CAR_SHABU_04 copy

Aabot sa mahigit P100 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang nakaparadang sasakyan sa parking area ng isang shopping mall sa Bacoor, Cavite, nitong Lunes ng gabi.

Ilang oras na binantayan ng NBI ang lumang puting kotse matapos silang makatanggap ng impormasyon na naglalaman ito ng ilegal na droga.

Nagpasya na lamang ang mga operatiba ng NBI na buksan ang sasakyan hanggang tumambad sa kanila ang 21 malalaking pakete ng shabu.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan. (BETH CAMIA)