Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw kanina, nagdagdag ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene, 65 sentimos sa gasolina, at 60 sentimos sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente