KATHMANDU (AP) – Natagpuan ang bangkay ng isang Indian climber sa Mount Everest nitong Lunes, ang ikaapat na namatay ngayong weekend sa pinakamataas na bundok sa mundo.

Nakita ng Sherpa rescuers ang bangkay ng 27-anyos na si Ravi Kumar ngunit imposibleng nang makuha dahil nahulog ito may 650 talampakan pababa ng ruta.

Tatlo pang climber mula sa United States, Slovakia at Australia ang namatay sa bundok nitong weekend.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo