CONCEPCION, Tarlac - Matapos ang ilang araw na pagmamanman ng mga awtoridad ay nalambat ang isang barangay kagawad at kasamahan nito matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa Barangay Green Village sa Concepcion, Tarlac, nitong Sabado ng madaling araw.

Nahulihan ng dalawang transparent plastic sachet ng hindi pa tukoy ang gramo ng hinihinalang shabu sina Noel Sanchez, 37, may asawa, kagawad ng Bgy. Sta. Rita; at Gerardo Lacson, 48, binata, ng Bgy. Green Village, Concepcion, Tarlac.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog