Magpapatuloy ang concrete reblocking at pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) sa mga pangunahing kalsada sa Quezon City at Pasig City, na sinimulan bandang 11:00 ng gabi nitong Biyernes.

Sa ulat ni DPWH-NCR Director Melvin Navarro, kabilang sa mga kinukumpuni sa QC ang ikalawang lane sa southbound ng EDSA hanggang Times Street, ikalimang lane ng Commonwealth northbound, ikalawang lane ng Quirino Highway, ikatlong lane ng Congressional Avenue, at ikalawang lane ng northbound ng Mindanao Avenue.

Kinukumpuni rin ang southbound ng C-5 Road sa Pasig, kaya inaabisahan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta hanggang sa muling buksan ang mga ito sa trapiko bukas, Lunes, 5:00 ng umaga. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter