BALER, Aurora - Makararanas ng hanggang sampung oras na kawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Aurora sa Miyerkules, Mayo 24.

Ayon kay Ernest Lorenz Vidal, ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication & Public Affairs Office, mawawalan ng kuryente ang mga kustomer ng Aurora Electric Cooperative simula 7:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Miyerkules.

Maaapektuhan ng brownout ang mga bayan ng San Luis, Maria Aurora, Baler, Dipaculao, kasama ang Dinalungan at ilang bahagi ng Casiguran.

Ang brownout ay magbibigay-daan sa pagpapalit ng mga poste, at pagkukumpuni ng mga insulator sa mga apektadong lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Light A. Nolasco)