SINO ang magkakampiyon sa 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby?

Masasagot ang katanungan ngayon sa paglalatag ng 68 sultada simula ikalawa ng hapon para sa pinakahihintay na grand finals ng anim-na-araw na pandaigdigan pasabong sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, Pasay City.

Nangunguna ang mga may tig-limang panalo na sina Anthony Lim (Lucban 2), Hermin Teves (RJM HVT HT# Tiki Bar – Sandbar) at Arman Santos (CAI Jade Red).

 Mapanganib na nakabuntot naman si Pao Malvar (EP Roosterville PTM) na may 4.5 puntos. Pipilitin naman malampasan ang mga lider ng mga dayuhan lahok na sina Christian Staskow & Chris Castillo mula sa Hawaii at ang Noisy Boys ng Guam na kapwa may tig-4 na panalo.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

May tig-apat na puntos din sina Mandy Garcia (MG Machine), Gerry C. Teves (GCT Chanter), Fiscal Villanueva (La Loma June 20 LBM 57), Ed Miranda (July 21 5-Cock Fiesta Derby sa Santiago City), Alex Macariola/Jun Bacolod/Dori Du (AVM/Roan Gold Davao Matina), Celso Evangelista (LSGF Experto Saguitarrius), Ramon Mancenares (Tito Den RM), Cano Raya (Pasuluhan Gamefarm), Cong. Lawrence Wacnang/Cong. Amante (Cabadbaran Crowsland White), Mayor Nene Aguilar (Super Striker AAO), Ed Lumayag/Larry Rubinos/Joey Salangsang (Polomolok Sports Complex), Jojo Cruz (J & B Kaingin), Cong. Patrick Antonio/Arnold dela Cruz (AEJ Gamefarm Sagupaan), Raffy Yulo/Osang dela Cruz (RJM Rapapap), Felix Gatchalian (Archers), May 26 5-Cock sa City of Ilagan (ICOCA), Steve M. Debulgado/Jun Bacolod (D Gamefarm Roan A.S. Dominic) at PFGB-Digmaan Chairman Nestor Vendivil (Oliver).