johnny-depp copy

MARAMI nang naging karanasan sa buhay si Johnny Depp.

Nakausap ng ET ang bituin ng Pirates of the Caribbean: Dead Men Tell No Tales sa Shanghai premiere nitong nakaraang Huwebes, at ibinunyag ng 53-year-old actor ang payong ibibigay niya sa kanyang batang sarili para maiba ang takbo ng kanyang career.

“I would have said get out of this business immediately,” natatawang sabi niya. “No, I would.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

At bagamat maging matigas ang ulo at mananatili pa rin sa industriya ang batang Johnny, papayuhan na lamang siya ng matandang Johnny na palaging maging handa.

“I would have said, ‘Get ready, it’s gonna get weird,’” aniya.

Sa huling pelikula ng franchise, makakaharap ng karakter ni Johnny na si Captain Jack Sparrow ang dati niyang kalaban na si Armando Salazar, at ang Spanish Navy ghost crew nito. (ET)