UMABOT na sa 23 producers ang nagpahayag ng intensiyon na sumali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Ipinahayag ito sa mini-presscon na ipinatawag ng executive committee na ginanap sa opisina ng MMDA at dinaluhan ng producers, directors at ilang executives ng MMFF. 

Naitanong namin kung tuloy ang pagsa-submit ng entry ni Direk Chito Roño na balitang nagsimula nang mag-shooting, right after ng MMFF 2016, pero hindi nila alam kung sino ang producer dahil may tatlo raw nagki-claim na entry nila ang movie na ginagawa ni Direk Chito.

Ipinahayag na ni Noel Ferrer, in-charge sa publicity ng MMFF, na twelve copies ng script ang dapat i-submit, kasama ang duly accomplished application form and complete requirements, sa June 15, not later than 5:00 PM sa MMFF Secretariat Office, 3rd floor MMDA Auditorium Bldg, Orense St. EDSA corner Guadalupe Nuevo, Makati City.

Ang finished films naman ay kailangang mai-submit, kasama ng accomplished requirements until October 2. Pero iyong mas maagang makapagsa-submit ng finished films ay may P30,000 application fee lamang. Ang magsa-submit sa October 30, ay kailangang magbayad ng application fee na P50,000. 

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Bale 12 movies ang pipiliin, 8 as official entries plus the remaining 4 slots na puwedeng makapasok sakaling may official entry na hindi aabot sa requirements. Isasagawa ang announcement sa November 17.

Ang deadline naman ng submission ng short films ay sa September 1.  Ang mapipiling eight short films ay malalaman naman sa September 29. 

Sa ngayon, wala pang announcement kung sino ang magiging chairman ng screening committee. Mayroon na raw silang napili, isang National Artist, pero hindi pa puwedeng i-announce kung sino --Nora Calderon