Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga kuwalipikadong Grade 10 completer, na hindi nakaabot sa orihinal na deadline noong Pebrero 2017, na samantalahin ang muling pagbubukas ng Senior High School Voucher Program (SHS VP), at mag-apply online bago pa sumapit ang bagong deadline nito.

Paalala ng DepEd, bukas, Mayo 15, na ang deadline ng online submission ng aplikasyon para sa programa.

Layunin ng programa na mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga kuwalipikadong Grade 10 completer na nais mag-enroll sa mga pribado at non-DepEd na pampublikong SHS.

Tanging ang Grade 10 completers mula sa private schools na hindi Educational Service Contracting (ESC) grantees ang kinakailangang magsumite ng aplikasyon.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Wala ring grade requirement sa aplikasyon sa SHS VP, at ang mga interesado ay maaaring mag-apply sa Online Voucher Application Portal sa http://ovap.deped.gov.ph. (Mary Ann Santiago)