ROME (Reuters) – Iniimbestigahan ng Italian prosecutors ang ilang miyembro ng mga humanitarian organization na sumasagip sa mga migrante sa Mediterranean Sea sa hinalang nakikipagsabwatan ang mga ito sa mga human smuggler.

Sinabi ni Ambrogio Cartosio, chief prosecutor ng katimugang lungsod ng Trapani sa Sicily, sa parliamentary committee sa Rome na hindi target ng imbestigasyon ang mismong mga samahan.

Nagkaroon ng mga pagdududa dahil tila alam na ng ilang rescue crew kung saan mahahanap ang mga karag-karag na bangkang puno ng mga migrante na ipinupuslit ng mga sindikato mula sa mga daungan sa hilaga ng Africa.

“We understand that NGOs made some rescues at sea without informing the Coast Guard,” ani Cartosio.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Ang Italian Coast Guard ang namamahala sa lahat ng mga rescue sa international waters malapit sa baybayin ng Libya.